top of page

Maliit Ngunit Matinik

Nag-uwi ng karangalan ang mga manunulat ng The Chronicler sa nakaraang Hayag 2016: University Wide Journalism Skills Training na ginanap noong Agosto 5-6, 2016 sa URS Morong.

Kabilang sa mga nanalo sina Rosie Gargar Ikaapat na Pwesto sa Opinion Writing; Angelina Abad, Ikaapat na Pwesto sa Pagsulat ng Lathalain; Jaezelle Anne Fabila, Ikaapat na Pwesto sa Pagsulat ng Balita at Pagsulat ng Editoryal; Edward Gunda, Ikatlong Pwesto sa Editorial Writing; Abegail Pamplona, Ikaapat na Pwesto sa Comics Strip Drawing at Ikatlong Pwesto sa Editorial Cartooning; at Oliver Umandap, Ikaapat na Pwesto sa Pagguhit ng Komiks. Nagkaroon ng 26 na delegado ang The Chronicler na binubuo nina Niñel E. Ignacio, Razcel Ann Jacinto, Patrick Jerome Santos, Daniella Marie San Juan, Edward Gunda, Angelina Abad, Ma. Cristeta Ramos, Ronalyn Arcedera, Jaezelle Anne Fabila, Joanna May Duatin, Abegail Pamplona, Lanilyn Galindez, Fernalyn Ravela, Ruel Doqueza, Juliet Zonio, Aira Joy Martinez, Krizzia Mae Valdez, Sanrix Bandola, Lesther Milana, Oliver Umandap, Aldren Dealagdon, Rosie Gargar, Nomer Austria, Marjorie Manna, Danica Mantilla at Marnelli Lorenzo. Ang mga nagsilahok ay nasa ilalim ng patnubay ni Prof. Jameson C. Martinez, Gurong Tagapayo ng The Chronicler. Ang naturang patimpalak ay nilahukan ng 13 student publications mula sa siyam na kampus ng Unibersidad kung saan kabilang ang: The Petroglyphs ng Angono, Tipolo ng Antipolo, The Pillar, Business Chronicle at The Zenith ng Binangonan, The Chronicler ng Cainta, The Legacy, The Essence, at The Flame ng Morong, Dampol ng Pililla, Pamitinan ng Rodriguez, Pluma ng Taytay at The Hilltop Chronicle ng Tanay. (Ronelyn N. Sioco, 4A BSE TLE)


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page