top of page

Hamog

-Fernalyn P. Ravela

   BEE-SPED 3B

Aking naalala nung ikaw ay bata pa,

akong tinatawag sa tuwing nadarapa

sa aking paglayo ito'y laging kasama;

sa maghapong tuwina tayo'y masaya

 

Sa kabila ng poot sa ating pamilya,

iyong pinatunayan di ka mag-iiba

mga latay at sugat na dinulot ni ama,

ni hindi ininda sa halip ay nagpatuloy ka

 

 

Nakita ko ang iyong pagyabong

gaya ng isang punong may kaakit-akit na mga dahon

Lubos na kagalakan aking nadama

pagkat ang dating bata'y nakakalakd na

 

 

Ngunit gano man kalago ang isang matibay na puno,

maari paring matinag ng maraming pagsubok

Ika'y napagod at agd rin nanghina,

Tuluyang nadala ng langing nananagasa

 

 

 

Di matapos na pagtangis ang nadama

sa iyong pagkapit at droga

Doon ibinuhos ang pait at yaong laya

Upang maibsan ang patuloy na hirap, na hindi na kinaya

 

Agad akong lumapit sa ating ina

Nagbakasakaling may magagawa siya

"Hayaan mo na sya!" ang tanging sagot niya

kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha

 

Yaoong nadurog ang aking puso

na tita ba'y patuloy na pinapaso

habang nasa dilim, at patuloy na lumuluha

siya rin paghahanap ng kasagutan na tila'y nawawala

 

 

 

 

 

 

Ang dating matayog na puno'y naglaho na

Binalot ng hamog at di na makita

sa daang masukal ako'y pumunta

aking hinanap ngunit wala na

 

 

Saglit na nanariwa sa aking ala-ala

ang munting bata na noo'y laging masaya

na sa bawat araw na tayo'y magkasama

magkahawak ang mga kama'y sabay sa saliw ng kanta

Our Philosophy

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It’s easy. Just click “Edit Text” or double click me and you can start 

adding your own content and make changes to the font. Feel free to drag and drop me anywhere you like on your page.

Our History

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It’s easy. Just click “Edit Text” or double click me and you can start 

adding your own content and make changes to the font. Feel free to drag and drop me anywhere you like on your page.

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page