top of page

Patuloy ang Pangarap

ni: Joanna May A. Duatin, 3A

Marnellie Dr. Lorenzo, 4B

Nakilala mo na ba sya? Isang lalaking may mabuting kalooban, may mabuting puso at maka-

Diyos, Siguro nga’y nasa kanya na lahat ng magandang katangian ng isang tao. Ngunit, ika

nga’y walang taong perpekto, lahat tayo ay pantay-pantay. Subalit sa kabila ng magagandang

katangian, isang masalimuot na buhay ang mayroon sya.

Kilala natin sa pangalang Ryan Y. Mimis o “Ryan”, Dahil sa kanyang natatanging abilidad bilang

estudyante at ngayo’y nailuklok bilang isang pangulo ng University  ttSupreme Student

Government o “USSG” ng University of Rizal System Cainta Campus. Siya ay dalawampung

taong gulang at nasa ika-tatlong taon sa kursong BSE-TLE. Ipinanganak noong ika-16 ng Hunyo

1996, anak nina G. Ricardo Y. Mimis, isang pedikab drayber at Gng. Marife Y. Mimis, isang

maybahay at panganay sa apat na magkakapatid. Ang kanyang pamilya ay nakatira sa Blk. 41

Lot 11 Kayumanggi St. Karangalan Village Cainta, Rizal.

Nabuo ang kanyang pangarap sa kagustuhang maging isang abogado “Gusto ko maging

abogado kaso parang napaka imposible nun” ani nya. Ngunit hindi doon natatapos ang

pagguhit niya sa kanyang pangarap. Siya’y nagtapos ng elementary sa  Sto. Nino Elementary

School at sekondarya sa Manggahan High School ng may pagkilala. Ngayong nasa kolehiyo na

siya, tatlong pangarap ang bumuo sa kanyang isipan, una ay makapagtapos ng pag-aaral sa

kursong kanyang kinuha, pangalawa ay makatulong sa kanyang pamilya at ang pangatlo ay

makapag-bigay kaalaman sa kanyang magiging mag-aaral.

Gaano man kahirap ang buhay na kanyang nararanasan, kailanma’y hindi niya ginawang

talikuran at higit sa lahat ay ang sumuko. Pananalig sa Diyos at pagmamahal sa pamilya ang

naging inspirasyon niya upang harapin at labanan ang pagsubok sa buhay. Kung kaya’t naging houseboy o kasambahay, naging aktibo sa mga organisasyon sa kanilang paaralan at ito ay nagbunga ng parangal na leadership award at sa kolehiyo’y sinundan ng pagkakaroon ng katungkulan bilang isang 2nd year representative ng USSG. Kasabay pa nito ang pagpasok niya sa Mc Donalds bilang isang crew at pinalad sa posisyong local store marketing, ngunit ito’y kanyang isinuko. Sa halip na siya’y magsisi, ito ay kanyang itinanggap ng buong puso at binigyang pansin at oras ang kanyang pag-aaral. Masaya siya sa kanyang desisyon at nagpapasalamat sa kung ano siya ngayon kaya’t ipinagpatuloy ang adhikain “Gusto ko kasi tumulong sa kapwa ko estudyante at makapagbigay inspirasyon sa iba”. Dahil dito madali niyang nakuha ang puso at tiwala ng mga guro at kapwa niya estudyante. Para sa mga kasalukuyang opisyales at sa mga nagbabalak na tumakbo, ito ang maipapayo ni Ryan. “Pag-isipan natin ng mabuti, kailangan may prosesong pag-iisip kasi hindi biro ang pagtakbo at pagkakaroon ng posisyon”.

Ang kanyang buhay ay sadyang napakagandang halimbawa  sa mga kapwa niya estudyante. Ika niya, “hindi na ako  nakakapag-gala, basta kapag may kailangan akong tapusin, tatapusin ko muna bago ako umalis”. Pamilya ang nagsilbing pundasyon at inspirasyon niya sa pag-abot ng pangarap. Binibigay niya lahat ng kailangan ng kanyang kapatid bago ang sarili niyang kagustuhan. Tumutulong rin siya sa mga bayarin sa kanilang bahay. Hindi alintana sa kanya kung siya man ay mahirapan, ang mahalaga ay nakakatulong siya sa kanyang kapwa gayon din sa kanyang pamilya. . Patunay ngang gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya. Sakripisyo ang kanyang ginagawa maabot lamang ang kanyang pangarap. Pangarap na kay hirap  at malabong abutin ngunit kung ito ay pagsisikapin ito’y maaabot din.

Sinong mag-aakala na tunay ngang kahanga-hanga ang katangian at abilidad ng ating nakatalagang pangulo. Sana’y makapagbigay ng isang magandang halimbawa at magsilbing inspirasyon sa bawat kabataan. Nawa’y nakapagbigay din ng kaalaman sa mga kapwa ko estudyante  at sumalamin sa ating isipan ang isang halimbawa na katulad ng ating pinuno. Masasabi natin na hindi dapat madaliin ang isang bagay at kailangan ng matinding paghihinuha sa bawat desisyon ng ating gagawin. “Patience is a virtue; dapat mapagpasensya at mapagkumbaba ka lang sa mga hamon na darating sa buhay mo”- Ryan Y. Mimis.

Our Philosophy

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It’s easy. Just click “Edit Text” or double click me and you can start 

adding your own content and make changes to the font. Feel free to drag and drop me anywhere you like on your page.

Our History

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It’s easy. Just click “Edit Text” or double click me and you can start 

adding your own content and make changes to the font. Feel free to drag and drop me anywhere you like on your page.

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page