top of page

Polillo Quezon, Ang Bayan Ko
(Coleen I. Susa)

Kung babalikan panahon na nagdaan

At ungkatin ang panahon lumipas na kasaysayan

At hindi ko malilimutan ang aking naranasan

Ang mga alaala sa bayan kong kinagisnan.

 

Natatandaan ko pa ang aking paaralan

Kung saan nahubog ang mura kong isipan

ditto ako ay maraming mabuting natutunan

maging sa pangungutya dito ko rin nalaman

 

Sa pagsapit ng reseskami ay naglalabasan

tulakan, habulan at maging sa pila kami’y naghaharutan

Sa limang piso kong baon ramdam ko na ang kasiyahan

may sitsirya kana, kendi at gulaman

 

Ang aming pantalan ay marami ding kasaysayan

Ako’y bata pa lamang ito’y aking languyan

sabay sabay tumatalon kaming magkakaibigan

At kung minsa’y napapatalo dahil ako’y nagtatamban

 

Ito rin ay nagsisilbi na aming pasyalan

Lalo na kung gabi ay maliwanag ang buwan

Iyong makikita’y mga batang naghahabulan

Kadalagahan, kabinataa’y masayang nag-aawitan

 

Sa apgsapit ng fiesta buonng bayan ay masaya

Makukulay na bandiritas at maingay na tunog sa haba ng parade

sa gabi ay sayawan nakabarong at saya

Masayang indakan siguradong paumagahan na

 

Ang magkakaibigan nagkaumpukan

May kaunting asaran panay ang kantyawan

Hindi nawawala ang paghahambugan

Limo tang problema sa masayang kwentuhan

Our Philosophy

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It’s easy. Just click “Edit Text” or double click me and you can start 

adding your own content and make changes to the font. Feel free to drag and drop me anywhere you like on your page.

Our History

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It’s easy. Just click “Edit Text” or double click me and you can start 

adding your own content and make changes to the font. Feel free to drag and drop me anywhere you like on your page.

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page