top of page


PUNTO DE VISTA
ROSIE T. GARGAR

 SA GITNA NG KAGULUHAN
     Bawat isa sa atin nais  ng  kapayapaan. Ngunit, paano natin ito matatamasa kung ating bansang ginagalawan ay may mataas na kriminilidad? Ano ang mga hakbang na ginagawa ng ating kasalukuyang Administrasyon para masulusyunan ang komplikadong isyu na hinaharap ng  bansang Pilipinas.
    Taong    1986, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng MILF(Moro Islamic Liberation Front) at dating Pangulong Corazon Cojuangco Aquino. Ang labanang iyon ay nagawang napag-usapan at tuluyang naiayos noong  taong 1992 . Bigyan natin ng pansin ang kasalukuyang nangyayari sa Mindanao. Ang komplikadong isyu ng BBL (Bangsa Moro Basic Law o Batayang Batas para sa Rehiyong Awtonomo ng Bangsa Moro) na kung saan ito ay linagdaan ng dating Pangulong Binegno Simeon Aquino III na pinapaniwala tayong mga Pilipino na ito ang sagot sa kaguluhan na nangyayari sa Mindanao. Sa  aking nababalitaan at napapansin, hindi ito ang sagot. Sa nangyayari ngayon, lalong lumala ang sitwasyon sa Mindanao. Maraming paaralan sa   liblib ng Lalawigan ng Cotabato na kung saan ay ginagawang Evacuation Center na dapat doon nag-aaral ang mga kabataan dahil ang mga bahay nila ay sinusunog ng mga NPA( New Peoples Army), MNLF( Moro National Liberation Front), MILF(Moro Islamic Liberation Front.
    Sa bagong iniupong pangulo.Sa Administrasyong Duterte, bilang kabataan na may malasakit sa aking kapwa Mindalanaon. Sana ay mabigyan ng kahit katiting na atensyon at aksyonan ang kaguluhan. Huwag nating hintaying dadanak ang mga dugo ng ating mga kababayan at masayang mga pangarap ng kabataan, dahil lang sa isang hindi pagkaunawaan.

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page