​EDITORIAL
Patrick Jerome Santos 4-D
Patrick Jerome Santos 4-D
CHANGE IS COMING
“Ang kasalanan ay hindi maitutuwid ng isa pang kasalanan.”
Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na ang pagpatay ay isang uri ng kasalanan na kahit ano pa mang gamiting dahilan para magawa ito ay hindi katanggap-tanggap.
Sa panahon ngayon, laganap ang mga balita na naglalaman ng pagkakapatay ng mga hinuhuling anila’y nanlalaban, mga di umano’y adik na hindi dapat tularan, kalunus-lunos na kalagayan na di dapat sapitin ninuman.
Patuloy na tumataas ang bilang ng napapatay na umano’y mga drug pusher matapos na manlaban daw sa mga awtoridad.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs noong Agosto 24, 2016, tinatayang nasa 1,916 katao na ang napatay dahil sa pagkakasangkot sa droga.
“Change is coming”, ika nga ni Pangulong Duterte. Subalit papaano pa mabibigyan ng pagkakataong magbago ang isang tao kung puputulin na agad ang hininga nito.
Kung kikitil ka ng buhay ng kapwa mo, anong parusa ang nababagay na ipataw sayo? Hindi ba’t mas malala ang matawag na isang mamamatay tao kumpara sa maakusahang adik dyan sa kanto.
Samakatuwid, hindi gamot ang pagpatay upang ibsan ang kriminalidad sa mundo. Bigyan dapat ng masusing pagsisiyasat at makatarungang hatol upang mabigyang-diin nga ang sinasabing PAGBABAGO.
SPORTS EDITORIAL
Oliver Umandap
Oliver Umandap