top of page

NaRYAN Ako

Ni: Ryan Y. Mimis

          SA LIKOD NG PAGLILINGKOD

  Marami sa atin takot sa responsibilidad,sinasabi ng ilan sakit lang daw sa ulo, dahil madaming ginagawa,may ilan naming nag sasabi Masaya ang may pinagliliongkuran, masayang tumulong at mag bigay ng oras at panahon sa mga taong nangangailangan.Ayon sa isang kawani ng gobyerno, hindi biro ang maglingkod, kaakibat nito ang mabigat na responsibilidad, nandyan ang mag sasakripisyo ka talaga ng oras at panahon makatulong lang sa iba, handa mo ring ilaan ang iyong sarili para sa buhay ng iba, ganyan ang isang lingcod, may mabuting hangarin para sa iba at may prinsipyo na kayang ipaglaban.Subalit sa kabila ng mga ito, ay may magandang maidudulot ito para sa iyo.

            Ang pagiging pinuno ay nag simula sa tahanan, at ang ating mga magulang ang naging unang halimbawa nito . Ang mga payo at mga halimbawa nila ang tumatak  sa ating mga puso at isipan na magagamit natin bilang ating instrument na maging halimbawa sa marami.Mula sa sipleng  paggawa nakapagpasaya  ka ng iba.Habang bumibilis ang panahon  mas lalong  bumubigat  ang mga responsibilidad  at dahil dyan lalo kang nagiging matatag . Ang mga hamon na kinakaharap ng isang pinuno  ay hindi basta-basta , minsan  maiisip mo na lang  hindi ko na kaya! Dahil sa sobrang bigat nito, ngunit ang mga ito ay isang pag subok na mag papatibay  ng iyong sarili. Sabi nga sa isang talinhaga “ Binigyan ka ng Diyos ng pagsubok hindi para pahirapan ka, kundi alam niya na kaya mo itong lagpasan, ang mga hamon na ito ang mag papatatag sa iyo bilang isang indibidwal.

            Sa mga nais mag lingkod sa isang komunidad, paaralan o anumang organisasyon wag tayong matakot sa responmsibilidad , maniwala  tayo  na kaya natin ito, dahil hiondi tayo nag iisa sa mga hamon na ating pag dadaanan, may mga tao na handa tayong tulungan .Kailangan  din nating pagisipan ang mga hakbang  na gagawin natin, isipin natin kung ito man ay makakabuti para sa ating kapwa o hindi. Makatutulong  din ang paghingi ng impormasyon  sa mga taong eksperto sa paglilingkod , halimbawa ang mga guro, kawani ng simbahan at  ating mga magulang .Kung ikaw ay may malinis na hangarin para sa iyong pinaglilingkuran  tiyak mag dudulot ito ng magandang hangarin para sa mga proyekto na nais mo simulan…

       

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page