top of page

PULSO SA ISYU

(Tinipon ni Jaezelle Anne M. Fabila)

Tanong: Pabor ka ba sa pagpatay sa mga adik?

​

Hindi, kasi ang bawat isa ay may karapatang magbago.

  • Ann Bernadette Murillo, Estudtante

 

Hindi, dahil kahit mga adik ay mga tao parin sila. Ang pagpatay sa kanila ay katumbas ng pagtanggal sa kanila ng karapatang mabuhay at magbago. At ang pagiging adik naman ay isang sakit – sakit ng lipunan na maaaring magamot.

  •  Jonathan Francisco, Propesor

 

Oo, patayin kung ang adik na ito ay nakapeperwisyo na ng ibang tao.

  • Reymark Enteria, Estudyante

 

Hindi, dahil meron namang batas na pwedeng sundin. Yun nga lang, mabagal ang batas na umiiral sa Pilipinas.

  • Rafael Picardal, Propesor

 

Oo, dahil maaari pa silang makaimpluwensya sa ibang tao. Lalo na sa mga kabataan.

  • Rhea Rose Feca, Estudyante

 

Oo, yun na talaga ang solusyon dun. Kung ipaparehab mo tapos paglabas ganon padin edi nagsayang ka lang sa pondo.

  • Alicia Rabuya, Janitor

 

Oo, okay ng mamatay yung mga adik kaysa naman makaperwisyo pa sila. kahit naman mabuhay pa sila, sa hell naman na sila mapupunta.

  • Jamie Kay Soriano, Estudyante

 

Depende, yung mga user dapat lang irehab dahil naniniwala akong biktima rin naman sila. Ang dapat patayin ay yung drug lord.

  • Edgar Razon, Security Guard

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page