![](https://static.wixstatic.com/media/41d000_2ada95f6e96abf3d2e3beb110ebe48c3.jpg/v1/fill/w_1200,h_799,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/41d000_2ada95f6e96abf3d2e3beb110ebe48c3.jpg)
Bb. Heizel: Kalihim
![](https://static.wixstatic.com/media/4e8d7e_2f4b1c6f1fb747d082190a252f1e9647~mv2.png/v1/fill/w_259,h_379,al_c,lg_1,q_85,enc_avif,quality_auto/4e8d7e_2f4b1c6f1fb747d082190a252f1e9647~mv2.png)
Siya si Ma.Heizel Carigma San Jose, o mas kilala ng mga URSCians bilang si Ma’am Heizel,
dalawampu’t isang taong gulang at ipinanganak noong ika- 22 ng Setyembre 1994. Siya ay
kasalukuyang naninirahan sa #200A Brigido Cruz St. Dalig Teresa, Rizal. Anak siya nina
Marietta Carigma San Jose at ng yumaong si Zosimo Espiritu Santo San Jose na. Siya ay bunso
at nag-iisa niyang kapatid si Ma. Heidee Carigma San Jose.
Sa ngayon ay tanging pamilya pa lamang ay kanyang pinagtutuunan ng panahon.
Nagtapos siya ng elementarya sa Teresa Elementary School, at nagtapos ng sekondarya sa
Teresa National Highs Shool. Siya ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science Major in
Guidance and Counseling, bagama’t noon pa man ay talagang pangarap na niyaang maging
pulis. Ayon sa nga sa kanya, kung mabibigyan nga lamang siyang muli ng pagkakataon ay
Criminology ang kukunin niyang kurso. Ngunit sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral
at makatulong sa pamilya ay itinuloy na lamang niya ang Guidance and Counseling.
Ang una niyang trabaho pagkatapos ng kolehiyo ay bilangTechnical Staff sa Mass Training
of Grade 10 teachers sa Division of Rizal and Division of Antipolo.
Sa kasalukuyan, siya ang kalihim o sekretarya dito sa University of Rizal System Cainta.
Pero sino nga ba si Ma’am Heizel para sa kaniyang mga kaibigan at katrabaho?
Ayon sa kanila, siya ay isang kaibigan na mapagbigay at tinuturing na din niyang pamilya ang
kaniyang mga kaibigan.
Siya ay isang propesyonal na tao, nananatili siyang mapagpasensya sa kabila ng mga
sitwasyong lingid sa kaniyang nais at paniniwala. Hindi rin nawawala ang kaniyang respeto sa
mga taong kaniyang nakaka-trabaho
Hindi rin naman masyadong naging mahirap ang kaniyang trabaho sa URS Cainta. Ayon sa kaniya, pinagbubuti niya ang pakikisama sa kaniyang mga katrabaho at maging sa mga estudyanteng kaniyang nakakasalamuha.
Sa mata ng kaniyang pamilya, siya ay isang mapagmahal na anak at kapatid. Si Ma’am Heizel ay mapagbigay at maunawain kahit na dalawa lamang silang magkapatid. Aniya “kaya kong magtiis para sa aking pamilya at gagawin ko ang lahat parasa kanila”.
Ang lahat ng pagsisikap niya ay para sa kaniyang magulang at kapatid. Hindi siya nagbibigay dahil lang sa meron siya ngunit dahil alam niya ang pakiramdam ng wala. Siya si Ma’am Heizel, larawan ng isang mabuting kaibigan, katrabaho at kapamilya. (Edward Gunda, 4B BEE SPED)
Our Philosophy
![](https://static.wixstatic.com/media/41d000_e5c8e48da4676978188cf3c1ca182fdc.jpg/v1/fill/w_99,h_100,al_c,q_80,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/41d000_e5c8e48da4676978188cf3c1ca182fdc.jpg)
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It’s easy. Just click “Edit Text” or double click me and you can start
adding your own content and make changes to the font. Feel free to drag and drop me anywhere you like on your page.
Our History
![](https://static.wixstatic.com/media/41d000_93254db97ab1013921e53184b6725586.jpg/v1/fill/w_99,h_100,al_c,q_80,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/41d000_93254db97ab1013921e53184b6725586.jpg)
I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It’s easy. Just click “Edit Text” or double click me and you can start
adding your own content and make changes to the font. Feel free to drag and drop me anywhere you like on your page.