top of page

ENTERTAINMENT

                       Hugot sa Kalsada

        mula sa makulay na karanasan nina Tahimik si Ako, 
                            Prixee, Bahala Kayo, at Idol

1. Hit & Run – Tinamaan ka na nga, Iniwan ka pa.
2.  Sideswipe – saglit lang ang tama, pero nag- iwan pa rin ng galos.
3. No Parking – Huwag mong tambayan ang hindi naman para sayo.
4. Keep Distance – Kailangan mo talaga ng space para makamove - on ka agad.
5. Green Light – Move- on na, wag kang pabebe, mahaba pa ang biyahe.
6. Yellow Light – Gusto na niyang magslow- down, kaso ayaw mo naman.
7. No U-Turn/ No left Turn – Huwag kang mangaliwa, BAWAL, MALI, MASAMA, kailangan pa bang imemorize yan?
8. Pedestrian Lane – Kahit na tama ang daan na tinatahak mo, maghahanap ka pa rin ng kasama dahil takot kang mag- isa.
9. Red Light – Handa akong mag-intay sayo dahil alam ko sa bandang huli mag go Go ka din.
10. One Way Road – isahan nga lang diba?  bakit sisiksik ka pa? hindi kaba marunong mag bilang o sadyang pa-epal ka lang? 
11. Mabigat na daloy ng trapiko – kahit na ang tagal-tagal mo magtitiis at maghihintay parin ako kase alam kong sa dulo may patutunguhan pa rin ako.
12. Man Hole – Kahit anong pag iingat ang gawin ko, mahuhulog at mahuhulog parin ako sayo.
13. Signage – Sinabi na ngang  bawal pero ginawa mo pa rin, parang yung sinabi ko sa ‘yong wag mo kong iwan pero iniwan mo pa rin ako.
 

         KULAY NA NAGLALARAWAN SA'YO

                                    ni Tahimik si Ako

Alam mo ba ang mga kulay ng bahaghari? Alin sa kanila ang paborito mo? Alam mo rin ba na ang gusto mong kulay ang nagpapakita ng tunay mong pagkatao? Ang mga ito ay:


Berde – Nagiging positibo sa lahat ng bagay at hindi nawawalan ng pag- asa.


Asul – Ikaw ang nagbibigay ng kapayapaan sa inyong magkakaibigan.


Dilaw – Ikaw ang nagpapasaya at nagbibigay tuwa sa iyong mga kaibigan sa tuwing sila ay malungkot.


Pula – Ikaw ang mahilig sa usapang pag- ibig.


Kahel – ikaw ang nagbibigay ng enerhiya sa kaluluwa ng magkakaibigan. (pastor ng grupo)


Abo – Laging tahimik ngunit mapanuri sa paligid.


Lila – Nagpapaalala lagi ng kahalagahan ng buhay. 
Kung wala dyan ang gusto mong kulay, mayroon pa namang iba:


Tsokolate – Ikaw ang BULLY sa lahat.


Puti – ikaw ang laging umuunawa sa lahat ng problema ng iyong mga kaibigan.


Itim – Kung may BULLY, ikaw ang B.I. (bad influence).
    Anong kulay mo? 
 

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page