top of page

"Sambit ng Awit"

Ni: Abegail Pamplona

May mga salitang sa puso'y umaawit

Kay gandang pakinggan sa tenga'y kumakapit

May musika na tila dumuduyan sa langit

Ang iba'y may saya, lungkot at pait.

Itong awit na aking sambit

Laan sa pag-ibig kong masakit

Nagmahal, nasaktan, lumuha't nagalit

Iniwan sa gitna ng kalyeng mainit.

Puso'y sumulat ng mga letra at gumuhit

Dala ang pait sa mga salitang ginamit

Nilapatan ng ritmo upang maging awit

Nang maibahagi sa iba ang aking sinapit.

Tulad ng awit na aking nasambit

Dumating ang panahon at ito'y nawaglit

Muling narinig mga nakalipas na pait

Napangiti, napaisip sa ala-ala'y umulit.

Our Philosophy

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It’s easy. Just click “Edit Text” or double click me and you can start 

adding your own content and make changes to the font. Feel free to drag and drop me anywhere you like on your page.

Our History

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page