top of page

LA NIÑEL

NIÑEL E. IGNACIO

         ARTEchnology; “Aarte ka pa ba?”

             “I fear the day that technology will surpass our human interaction. The world will have a generation of idiots”. – Albert Einstein
    iPhones .. Tablets..  Super Computers.. High Class Android Phones .. Ito na nga ba ang batayan ng estado sa buhay? Dito na nga ba nasusukat ang katayuan ng isang indibidwal? Nakabase na lamang ba tayo sa materyal na bagay? Teknolohiya na nga ba ang nag-papaikot sa  mga kabataan?
    Nabubuhay tayo sa henerasyon  na punong-puno ng iba’t ibang klase ng teknolohiya na siya rin namang kinahuhumalingan ng mga tao lalo na’t kabataan. Nariyan na bumibili tayo ng mga gadgets na sunod sa uso. Para saan? Upang masabe nakaaangat tayo sa buhay? o para lang masabi na “Ang astig ko!”. May mga pagkakataon rin na napapatingin na lang tayo sa katabi natin sa jeep, sinisipat kung anong klase ng cellphone ang mayroon siya. Kapag iPhone o Android, “Wow! Yaman! ang ganda ng phone” ang singhal. Ngunit kapag tipong de-keypad lang, kulang na lang ay matanggal ang kilay mo sa sobrang kunot at taas ng arko nito.  Nariyan din na “outcast” ka kapag ang cellphone mo lumang model lang. “Keypad?! Eew. Baduy. Poor kid” tapos hindi kana makikipag-kaibigan. Tama ba o mali?
    Nalulunod sa luho ang mga kabataan. Tila nagiging kaartihan na lang. Mga kabataan na walang ginawa kundi tumungo sa teknolohiya o gadget na hawak nila. Marapat lang na iwasan ang gantong kaugalian. Iba pa rin ang makisalamuha tayo sa iba. Yung tipong labas sa usapan ang gadget, purong usapan, kwentuhan, biruan at kulitan. Huwag natin hayaan na lamunin tayo ng teknolohiya tulad ng kinatatakutan ng ilan. Tayo ang kokontrol sa teknolohiya, hindi ang mga ito ang kokontrol sa atin.

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page