top of page

​ACADEMICS

MR. MULTI TALENTED

“It’s not about how big the campus or the niversity you are enrolled in but it’s about how you trust the Lord and yourself, as a means of treasure that nobody can take away from you.”

Waging-wagi! Sa looks, sa talento, sa abilidad, sa karunungan at kagandahan ng ugali. Iilan na lamang ang biniyayaan ng ganyang katangian at maswerte kami dahil sa URSC, meron kami nyan!
    Siya si John Irvin R. Rivera, 22 taong gulang, kasalukayang nasa ikaapat na taon na sa kolehiyo ng kursong Bachelor of Secondary Education major in TLE, (BSE TLE) panganay na anak nina G. Alvin Rivera at Gng. Miriam Rivera, at nakatira sa Antipolo City.
    Unang taon pa lamang nya sa college ay nagpamalas na agad sya ng kahusayan sa iba’t ibang larangan. Unang subok pa lang niya na lumahok sa Mr. URS Cainta ay nasungkit na niya agad ang titulong iyon. Ito rin ang taon ng unang beses nyang makamit ang gintong medalya sa larangan ng taekwondo. Siya rin ang naging president ng kanilang klase at pasok rin sya sa Dean’s List ng mga panahong iyon.
    Sa ikalawang taon naman niya sa college ay matagumpay nyang nadepensahan ang gintong medalya sa taekwondo. Bukod pa rito, sya pa rin ang naging presidente ng kanilang klase at kasama pa rin ang kanyang pangalan sa Dean’s List. Idagdag pa na hinirang syang Acting Batallion Commander ng Cainta campus sa ROTC hanggang third year college nya at kabilang rin  sya sa mga pioneer member ng Santinig Chorale.
    Sa kauna-unahang pagkakataon ay napili syang varsity player ng URS sa taekwondo featherweight division matapos nyang makuha ang gintong medalya sa ikatlong pagkakataon. Siya ay ipinanlaban sa regional level sa Aborlan, Palawan. Nasungkit rin nya ang 2nd place bilang Next Top Model sa Foundation Day ng URS Cainta noong sya ay third year na.
    At sa panghuli at ikaapat na pagkakataon. Pinatunayan ni Irvin na siya ang tunay na kampeon ng kunin nyang muli ang sa ikaapat na pagkakataon ang gintong medalya sa larangan ng Taekwondo. Siya rin ang representative ng URS Cainta sa Search for Mr. and Ms. URS 2016 kung saan siya ang itinanghal bilang 2nd runner-up at Mr. Photogenic. Sa taong ring ito siya ang naging USSG Course Representative ng BSE-TLE.
    Sa lahat ng karangalang nakamptan,pinakaipinagpapasalamat raw niya na namaintain niya ang glory ng campus niya bilang taekwondo player. At nang tinanong siya kung ano ang kaniyang naging motibasyon. “Of course, iyong paglapit sa Lord, paghingi ng guidance niya. Iyong trust ng classmates, friends and faculty staff, ” sagot niya. 
    “It’s not about how big the campus or the university you are enrolled in but it’s about how you trust the Lord and yourself, as a means of treasure that nobody can take away from you.” Sa pahayag niyang ito, hindi na natin maitatatwa, tunay syang kampeon. (Jaezelle Anne M. Fabila, 1A BSE TLE)

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page