top of page

Ang Punong Patnugot

Ni Abegail T.Pamplona ng BSE-TLE 3A

                                    “Things aren’t always what they seem,”

     Nasubukan mo na bang bumisita sa opisina ng "Ang Kalatas" sa ikaapat na palapag ng

University of Rizal System Cainta Campus? Kung oo, malamang "NAQUITA" mo na ang

napaka-abalang babae roon.

      Siya ay si Ronelyn Naquita Sioco ng BSE-TLE 4-A. Isang mabait, masipag at responsableng

Punong-patnugot ng “Ang Katalas” sa kasalukuyan. Siya’y ipinanganak noong ika-27 ng Marso

taong 1997 sa Holy Spirit, Quezon City at nag-iisang anak nina Rufina at Nelson Sioco.

Nakapagtapos si Ronelyn noong Elementarya sa Promise Land Christian School Payatas B,

Quezon City bilang “Salutatorian” at ng makatungtong sa Sekondarya ay naging patnugot sa

Justice Cecilia Munoz Palma High School Payatas B, Quezon City. Nang makapagkolehiyo ay

nagpatuloy siya sa pagiging mamamahayag, nailuklok bilang Patnugot sa Lathalain,

Pangalawang Patnugot hanggang sa naging Punong Patnugot na sa pahayagan ng URSC.

     Bagamat nasa huling taon na ng kanyang pag-aaral, marami parin siyang patuloy na

pinagsusumikapang ibahagi sa Unibersidad gamit ang kanyang talento at kakayahan.

Nagkaroon siya ng posisyon bilang Presidente ng isang organisasyon, ang Future Mentor

Society (FMS) sa taong 2015 hanggang 2016 at ngayon ay nanalo nilang Bise Presidente  ng

University Supreme Student Government (USSG). Naging Dean’s lister , nagkamit ng ikalawang

pwesto sa pagsulat ng sanaysay para sa pagdiriwang ng “Foundation day” ng URS sa taong

2014 at nang sumunod na taon ay nasungkit niya ang ika-unang pwesto sa kaparehong

patimpalak. Isa rin siya sa mga nag-uwi ng medalya sa ikatlong pwesto sa paglalaro ng Futsal

para naman sa pagdiriwang ng ICAM na isinagawa sa Tanay Campus sa taong 2015.

Nag-ikaapat na pwesto naman siya sa kauna-unahang pagtitipon ng mga mamamahayag ng

URS para sa pagsulat ng balita noong nakaraang taon.

     Ngunit sa kabila ng mga parangal na kanyang nakamit ay hindi naging madali para sa kanya ang magpatuloy sa pag-aaral. Sinubok siya ng panahon nang magkahiwalay sila ng kanyang mga magulang, ang kanyang ama ay nadestino sa Pangasinan, ang kanyang ina ay nanatili sa Quezon City at siya naman ay nagdesisyong mapunta sa Cainta. Hindi naging sang-ayon ang kanyang mga magulang na tumuloy siya sa pag-aaral at ang ilan sa kanyang mga kakilala ay hindi naniniwalang siya ay makakatapos sa kolehiyo dahil narin sa hirap ng buhay. Pero imbis na panghinaan ng loob sa kanyang mga natanggap na mga salita ay nagsumikap siyang magpatuloy sa pag-aaral sa abot ng kanyang makakaya upang mapatunayan na mali ang kanilang mga pananaw tungkol sa kanya.At ngayon ay isa na siya sa mga nakalinyang mag-aaral na magtatapos sa darating na taon upang matupad ang pangarap niya na maging isang guro at makaroon ng isang mapayapa at kuntentong pamumuhay. ”Life is not a matter of chance but a matter of choice, wala akong pinagsisisihang desisyon sa buhay lahat lesson learned,” isa ito sa mga aral na kanyang nakuha sa buhay sa kabila ng mga pagsubok na kanyang napagdaanan. Patunay lang na hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng tagumpay tanging tayo parin ang gagawa ng ating kinabukasan sa sarili nating pamamaraan.

Our Philosophy

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It’s easy. Just click “Edit Text” or double click me and you can start 

adding your own content and make changes to the font. Feel free to drag and drop me anywhere you like on your page.

Our History

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It’s easy. Just click “Edit Text” or double click me and you can start 

adding your own content and make changes to the font. Feel free to drag and drop me anywhere you like on your page.

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page