Peer Counseling: pinaluha ang mga estudyante
![](https://static.wixstatic.com/media/c65338_15eab9998a9f4673902af4e62b95970e.jpg/v1/fill/w_980,h_653,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/c65338_15eab9998a9f4673902af4e62b95970e.jpg)
Isa’t kalahating oras makalipas ang alas-dose ng tanghali ay nagsimula na ang “Peer Counseling” na isinaayos ni Gng. Monette Pilapil, Guidance Councilor ng URSC sa tulong ng Scholarian Organization.
Sina Niñel Ignacio at Ranzel Assuncion ang nanguna sa pag-uumpisa ng nasabing pagtitipon. Pinangunahan ni Bb. Genesis Sumayao ng 2B ng isang dasal ang aktibidad na sinundan ng Pambansang Awit ng Santinig Chorale, Sumunod ang panimulang pagbati galing kay Gng. Jerlyn G. Bino, Program Head ng COE, Inspirational Message na ibinahagi ni Dr. Rommel R. Castro, Dekano ng COE.
Pormal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang aktibidad na tinawag na “Getting to know you” sa gabay ni Gerrelyn Cerbo at Edebelle Flores. Ang naturang aktibidad ay naglalayong makilala ng bawat mag-aaral ng unibersidad ang kanilang kapwa mag aaral.
Pagkatapos noon, tinalakay ni Bb. Toni Rose Josue, guest speaker, ang kahulugan ng “Peer Counseling” at pagkakaiba ng Stress at Depression. Ibinahagi rin niya ang mga dapat sabihin at hindi dapat sabihin sa isang taong dumaranas ng depresyon.
Matapos ang talakayan kasama si Bb. Josue ay sumunod na ang pagpapalawak ni Gng. Lovely Celeste Benasa, ikalawang guest speaker, sa kahulugan ng Depresyon. Isa pa rito ang mga dapat isaalang-alang ng mga taong nakapaligid sa isang taong nakakaranas nito.
Matapos ang diskusyon, nagkaroon muli ng aktibidad ang Scholarians kung saan ay pinangkat sa labing apat ang mga kalahok ng naturang seminar at inatasang ibahagi ng mga masasaya at malulungkot na karanasan at saloobin sa mga kagrupo. Sunod at huling aktibidad ay pinamunuan ni Gng. Monette. binasa niya ang isang sulat at sinabayan pa ng isang tugtog na talagang nagpaluha sa mga mag-aaral.
Layon ng aktibidad na maibsan ang hinagpis na pinagdaraanan ng mga mag-aaral sa paraang Peer Counselling kung saan maibabahagi nila ang mga saloobin sa kapwa mag-aaral.