ANG BAGONG MUKHA NG USSG
![](https://static.wixstatic.com/media/c65338_20d0d97aa78e49bdb5e4e95537bdbcbd~mv2_d_3160_1814_s_2.jpg/v1/fill/w_980,h_563,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/c65338_20d0d97aa78e49bdb5e4e95537bdbcbd~mv2_d_3160_1814_s_2.jpg)
Mga Bagong Student Leaders: Ang mga bagong halal na opisyal ng University Supreme Student Council (USSG) 2016: (mula sa kaliwa: Karen Geneveive Neri, April Joy Muyrong, Oliver Barrameda, Jerwin Suarez na pinalitan ni Kenneth Melo Jay N. Ernane (insert), John Irvin Rivera, Bernadette Murillo, Krizzia Ylanan, Johsua Torda, Ronelyn Sioco, Razcel Ann T. Jacinto, (mga nakaupo) Gelanie Suing, OSDS Coordinator Prof. Jackielou B. Elardo, Ryan Y. Mimis, ang kanilang Gurong Tagapayo Prof. Marjorie DF. San Juan at Mercedez Espinoza. (Kuha ni Prof. Jameson C. Martinez)
Ang eleksyon para sa University Supreme Student Government ay isinagawa noong ika -7 ng Hulyo 2016, Huwebes sa Room 303 (Drafting Room). Ang dalawang magkatunggali partido ay ang IGNITE (Ideal Government Nurturing Individuals Towards Excellence) at ACT (Action Changes Things) . Sinimulan ng dalawang partido ang kanilang kampanya noong Hulyo 5, 2016, Martes. Kaalinsabay nito ang paglatag nila ng kani-kanilang mga plataporma. Ang kampanya ay sinundan ng eleksyon na sinimulan ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon na agad ring sinundan ng bilangan sa pangunguna ni Prof. Jackielou Elardo, OSDS. Nang matapos ang bilangan, nanaig ang pambato ng IGNITE na si Ryan Mimis at idineklarang bagong pangulo ng USSG laban sa kanyang katapat na ACT na si Paul John Sabangan. “Yes! I’ve made it! Lahat ng tensyon, pressure, nawalang lahat! nakakaoverwhelm!!”. Ito ang mga salitang namutawi sa mga labi ni Ryan Mimis, 3A BSE TLE, matapos maitanghal na bagong pangulo ng organisasyong ito nang makalamang ng 3 puntos sa kanyang katunggali na si Paul John Sabangan, 2D BS IT, sa talang 331-327 na boto. Ang pagka-Pangalawang Pangulong Internal naman ay nakuha ni Caren Neri, ACT at si Ronelyn Sioco, IGNITE naman ang nahalal para sa posisyon ng Pangalawang Pangulong External. Sa kabilang banda nagwagi naman si Razcel Ann C. Jacinto, ACT, bilang kalihim, Bernadette Murillo, ACT, Ingat Yaman, Johsua Torda, ACT, Tagasuri, Maria Mercedez Espinosa, ACT, Tagapagbalita. Matapos makalikom ng sapat na boto upang ungusan ang kanilang mga katunggali, pasok rin sa bagong pamunuan sina Krizzia Ylanan, (BT Representative) Oliver Barrameda, (DT Representative) Kenneth Melo Jay Ernane, (BSIT Representative) John Irvin Rivera, (BSE-TLE Representative) Gelanie Suing(SPED Representative) at April Joy Muyrong (GenEd Representative). Sa unang pagpupulong, napili ng mga bagong halal na opisyal bilang gurong tagapayo si Prof. Marjorie DF. San Juan.