top of page

BRAVEHEARTS, KAMPIYON!


TAGUMPAY! Magkahalong luha at tuwa ang nadama ng URS Cainta Bravehearts matapos tanghaling kampiyon sa larong soccer laban sa mahigpit nitong katunggali na URS Tanay sa iskor na 3-2 sa naganap na championship match noong ika-19 ng Agosto 2016 sa URS Tanay sunken oval. (Kuha ni Razcel Ann T. Jacinto, 3A BSE TLE )


Matagumpay na naagaw ng URS Cainta Bravehearts Soccer Team ang kampeonato sa koponan ng Tanay matapos umiskor ng 3-2 sa shootout sa nakaraang Inter-Campus Athletic Meet na ginanap noong Agosto 16-19, 2016 sa URS Tanay. Sa unang dalawang tira ng parehong koponan, naipasok nina Michael Angelo Icawalo at Dennis Lucito ang bola na nagresulta sa iskor na 2-1, pabor sa Cainta. Sa kabilang banda nakabawi ang Tanay sa ikatlong pagtira dahilan upang maitabla ang iskor sa 2-2. Sa ikaapat na pagsipa, nalinlang ni Johsua Cruz ang keeper ng Tanay dahilan upang madaling naipasok ang bola na nagresulta sa muling paglamang ng Cainta sa iskor na 3-2. Ang mabilis na pagtapik ni Icawalo sa huling tira ng Tanay ang naging susi upang maagaw nila ang kampeonato sa defending champion na Tanay. Samantala, buong pusong dinepensahan ng Cainta ang koponan ng Tanay sa first and second half na nagresulta sa iskor na 0-0. Nagkaroon ng limang minutong overtime ngunit natapos pa rin ito sa iskor na 0-0 na naging dahilan upang mauwi sa shootout.

Sama-samang dumipensa sina Norlan Leonor, goal keeper, kasama sina Edwin Evangelista, Reymond Belaro, Johsua Cruz, Michael Valdemoro, Christian Abello, Micheal Angelo Icawalo, Dennis Lucito, Nomer T. Austria at Mike Yzarel Zartiga. Naging susi din sa laban ng Bravehearts sina Mark Christian Abello, Rolando, Ayaton, Alvin Perante, Jomar Trinidad, Erwin Vicencio, at Mike Ysaril Zartiga, lalo na ang kanilang coach na si Prof. Emmanuel T. Drez, na naging varsity player, at dating teammate din ng ilan sa kanila. Tatlong sunod na taong naging mailap ang kampeonato sa Bravehearts, kung saan lagi nilang kalaban ang URS Tanay.(Ronelyn N. Sioco at Nomer T. Austria, 4A BSE TLE)


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page