“Linggo ng Wika 2015” ipinagdiwang ng URSC
Ang mga kalahok ng Pagsulat ng Sanaysay na bahaging pagdiriwang ng Linggo ng Wika. (Kuha ni Ryan Y. Mimis, 2A BSE TLE)
Ang Samahan ng Masisining na Kabataan (SAMAKA) ng URS Cainta ay nagsagawa ng iba’t ibang mga gawain sa pagdiriwang ang Buwan ng Wika na may temang “Filipino, Wika ng Pambansang Kaunlaran” noong ika-18 hanggang 20 ng Agosto. Ito ay pinangunahan nina Samuel Umandap, pangulo ng SAMAKA at ni Gng. Jerlyn Bino, gurong tagapayo.
Ang mga mag-aaral ay nagpakitang gilas sa paglahok sa iba’t ibang patimpalak. Kabilang rito ang Pautakan na ginanap sa kani-kanilang silid-aralan, Pagsulat ng Tula at Pagsulat ng Sanaysay sa silid aklatan. Pagguhit ng Larawan at Paggawa ng Islogan naman sa pasilyo ng ika-apat na palapag ng gusali, Pagkukuwento, Dagliang Talumpati, at Katutubong Kasuotang Pilipino naman sa huling araw ng selebrasyon.
Sina Gng. Jerlyn Bino, G. Jameson C. Martinez at Gng. Jackielou B. Elardo ang mga naging hurado sa pagsulat ng tula at sanaysay. Sina G. Jonathan Francisco, G. Erwin Elardo at G. Jameson Martinez naman ang humusga sa pagguhit ng larawan samantalang sina Bb. Alyssa Marie Ramirez, Bb. Angelique Sartin at Bb. Kristele Ibon sa paggawa ng islogan
Ika-20 ng Agosto ginanap ang pagsuot ng Katutubong Kasuotang Pilipino. Ito’y nilahukan ng mga mag-aaral mula sa BSE-TLE; BEE-SpEd at BEE-Content Courses. Ang mga naging hurado sa paligsahang ito ay sina G. Rommel Castro, G. Roy Gerard de Castro at Gng. Rizalina Fernandez.
Ang mga nagsipagwagi sa patimpalak ay sina: sa Pagsulat ng Sanaysay Unang gantimpala, Christian Paul Castilla 2A; Ikalawang gantimpala, Edward Gunda 3B; Ikatlong gantimpala, Judith Regala 3B. Pagsulat ng Tula Unang gantimpala, Abigael Pamplona 2A; Ikalawang gantimpala, Krizia Mae Valdez 1A; Ikatlong karangalan, Rodelyn Lecciones 2C. Paggawa ng Islogan Unang karangalan, Quennie Mae Villiano 3C, Kristelle Joy Manrique 3C; Ikalawang karangalan, Christian Paul Castilla 2A, Roselyn Mae Teodoro 2A; Rey Mark Punsalan 2D, Jovan Barbosa 2D; Ikatlong karangalan, Margaret Dire 1A at Joyce Ann Cruz 1A. Pagguhit ng Larawan Unang karangalan, Charles Jude Bague 1A, Michael Arcilla 1A, John Manuel Jacob 1A, Ana May Fesalbon 1A, Kathelyn Acto 1A; Ikalawang karangalan, Anthony Matias 3D, Patrick Jerome Santos 3D, Paul Harvey Maglente 3D; Ikatlong karangalan, Mikee Cusipag 2C, Crizel Marco 2C, Jessica Africa 2C. Kasuotang Pilipino Unang karangalan, Quennie May Villano 3C; Ikalawang karangalan, Abigeal Pamplona 2A; Ikatlong karangalan, Gineva De Leon 3C.