Pagsasanay sa Sign Language isinagawa
![](https://static.wixstatic.com/media/c65338_6125865cde3549b1b4e05fd8e06636ac.jpg/v1/fill/w_980,h_653,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/c65338_6125865cde3549b1b4e05fd8e06636ac.jpg)
Ang Parents Auxillary Council (PAC) ay nagkasundo na mag sponsor ng “Sign Language Training and Seminar” para sa mga magsisipagtapos na estudyante na kumukuha ng kursong Special Education . Ang naturang seminar ay binuo ng walong sesyon na nagsimula noong ika-24 ng Hulyo taong 2015 at natapos noong ika-18 ng Setyembre .
Ang programa ng pagkilala at pagpaparangal ay idinaos noong ika-9 ng Oktubre 2015 na dinaluhan ng ilang myembro ng PAC. Ang programa ay pinasimulan ng isang panalangin at pag awit ng pambansang awit sa pamamagitan ng “Sign Language” ng mga delegado at sinundan ng isang mensaheng pang inspirasyon ni Dr. Rommel R. Castro, kasunod ay isang paunang bati mula sa Presidente ng klase na si Marissa Macabebe at sinundan ng pambungad na pagbati mula kay Gng. Jerlyn G. Bino.
Kasunod nito ay ang pagbibigay ng katibayan ng partisipasyon sa mga estudyante. Naghandog din ang mga estudyante ng isang natatanging presentasyon sa pamamagitan ng “Sign Language”. Nagbigay ng pangwakas na mensahe ang Presidente ng Parents Auxillary Council na si G. Lazaro Benedicto Jr.
Ang mga natutunan ng mga mag aaral mula sa kanilang tagapagsanay na si Gng. Tess Parcia ay maaari nilang magamit sa kanilang propesyon bilang mga magiging guro ng Sped.