top of page

BLOODLETTING ACTIVITY INILUNSAD NG URS CAINTA


Ilan sa mga boluntaryong nagbigay ng dugo sa isinagawang Bloodletting ng URS Cainta sa Activity Hall, 4th Foor noong ika-12 ng Agosto 2016. (Jaezelle Anne M. Fabila, 1A BSE TLE)

Pinangunahan ni G. Luverne G. Dela Cruz, MD, Head ng Philippine Red Cross - Rizal Chapter Taytay Branch ang isinagawang Blood Letting Activity ng University of Rizal System Cainta noong ika-12 ng Agosto, taong kasalukuyan. Ang naturang aktibidad ay naglalayong makalikom ng 40 units ng dugo na ipampupuno sa magiging donasyon ng Red Cross sa mga susunod pang programang kanilang ilulunsad. Ang mga boluntaryong nakiisa ay sumailalim sa mga sumusunod na kwalipikasyon: (1) nasuri kung ano ang blood type ang kinabibilangan, (2) sapat ang tulog, (3) hindi gutom, (4) hindi nakainom ng anumang inuming nakalalasing at (5) may sapat na timbang na 55 kilos pataas. Ito ay nilahukan ng mga estudyante at ng kanilang piniling donor sa pangangasiwa ni Prof. Marivic C. Reyes, NSTP Coordinator ng URSC. Ang nasabing aktibidad ay sinimulan sa ganap na alas-9:00 ng umaga at matagumpay na natapos sa ganap na alas-3:00 ng hapon.(Jaezelle Anne M. Fabila, 1A BSE TLE)type ang kinabibilangan, (2) sapat ang tulog, (3) hindi gutom, (4) hindi nakainom ng anumang inuming nakalalasing at (5) may sapat na timbang na 55 kilos pataas. Ito ay nilahukan ng mga estudyante at ng kanilang piniling donor sa pangangasiwa ni Prof. Marivic C. Reyes, NSTP Coordinator ng URSC. Ang nasabing aktibidad ay sinimulan sa ganap na alas-9:00 ng umaga at matagumpay na natapos sa ganap na alas-3:00 ng hapon.(Jaezelle Anne M. Fabila, 1A BSE TLE)


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page