NSTP nagsagawa ng Bloodletting
![](https://static.wixstatic.com/media/c65338_9266fcd6a8a1480d85ffe3ba46ee61f3.jpg/v1/fill/w_980,h_653,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/c65338_9266fcd6a8a1480d85ffe3ba46ee61f3.jpg)
Inilunsad ang Blood Letting Program sa University of Rizal System Cainta Campus noong ika-4 ng Setyembre 2015 na nilahukan ng 40 estudyante ng NSTP (CWTS) at 10 magulang ng Parent Auxiliary Council (PAC) sa pamamahala ni Gng.Marivic C. Reyes sa tulong ng Taytay Red Cross sa pangunguna ni G. Verne Dela Cruz.
Nakiisa ang mga estudyante at mga magulang sa boluntaryong pagbibigay ng dugo sa sinabing programa.
Upang makapag-donate ng dugo ang isang boluntaryo ay dapat sumailalim muna ito sa sumusunod: kinakailangan timbangin at suriin ang mga estudyante’t magulang bago sumailalim sa pagpapakuha ng dugo; marapat na hindi gutom; may sapat na tulog at hindi puyat; hindi uminom ng anumang klase ng alak at para sa mga isang beses palang susubok mag papakuha ng dugo kailangan ang kaniyang timbang ay 55 kilo pataas ayon kay G. Lambert Cordero –CSR Medtech.
Matagumpay na nasagawa ang nasabing programa sa maayos na pakikiisa ng mga mag-aaral at mga magulang.