top of page

Caraat, kinilala bilang Mamamahayag ng Taon Manunulat ng Chronicler Humakot ng Parangal


Ang mga delegado ng URS Cainta kasama ang kanilang Adviser na si Jameson C. Martinez sa 1st Caption Wide Journalism Skills Training “HAYAG” 2015 na may paksang “Let Journalism Thrive! Towards Better Reporting, Gender Equality and Media Safety in the Digital Age” noong ika-31 ng Hulyo hanggang ika-1 ng Agosto sa University of Rizal Sysem Morong (URSM). (Kuha ni RyanY. Mimis, 2A)

Tinanghal na Journalist of the Year ang punong patnugot ng The Chronicler na si Ma. Emma A. Caraat sa nakaraaang 1st Journalism Wide Journalism Skills Training “HAYAG” 2015 na may temang: Let Journalism Thrive! Towards Better Reporting, Gender Equality and Media Safety in the Digital Age, noong July 31 hanggang August 1 sa University of Rizal Sysem Morong (URSM).

Ilan din sa mga manunulat ang nakapagbigay karangalan sa URS Cainta. Sila ay ang mga sumusunod: Ika-limang pwesto sa Pagsulat ng Lathalain, Marnellie DC. Lorenzo; Ika-limang pwesto sa Editorial Cartooning at Comics Strip Drawing, Patrick Jerome C. Santos; Ika-apat na pwesto sa Pagsulat ng Balita, Ronelyn N. Sioco; Ika-apat na Pwesto sa Pagkuha ng Larawan, Ryan Y. Mimis; Ikatlong pwesto sa Literary Graphics Illustration, Patrick Jerome C. Santos; Ikatlong Pwesto sa Pagsulat ng Lathalain, Edward Gunda; Ikalawang Pwesto sa Feature Writing, Niñel Ignacio; Unang Pwesto sa Pagsulat ng Pangulong Tudling at Balita, Ma. Emma Caraat at siya ring tinaguriang Mamamahayag ng Taon.

Nilalayon ng naturang gawain na maihanda ang mga manunulat ng bawat campus sa darating na Regional Press Conference. Gayundin upang maging isa at magkakakilala ang mga mamahayag.

Dinaluhan ng siyam na Campus paper writer ang HAYAG 2015 kabilang dito ang: Tipolo ng Antipolo, “The Petroglyphs” ng Angono, “The Pillar” ng Binangonan, “The Chronicler” ng Cainta, “The Legacy” ng Morong, Dampol ng Pilillia, “The Hilltop Chronicle” ng Tanay at Pluma ng Taytay

“Media was often used as a medium for evil deeds.”, ani Ms. Rachelle Ann T. Pascual, Guest Speaker mula sa University of the Philippines na graduate ng B. A. Mass Communication.

Ayon pa sa kanya, upang mapangalagaan ang ating sarili mula sa mapanganib na digital age ay dapat na pagkaingatan ang mga impormasyong ibinibigay sa social media.

Dumalo rin mula sa The Chronicler ang 17 mamahayag na sina: Angelina Abad ng 2A BSE-TLE, Christian Agnas ng 1A BSE-TLE, Florence Aldana ng 3B BEE-SpEd, Ma. Emma Caraat ng 4B BEE-SpEd, Mary Jane Cereno ng 2C BEE-GenEd, Cleofe Chavez ng 2C BEE- GenEd, Edward Gunda ng 3B BEE-SpEd, Niñel Ignacio ng 2B BEE-SpEd, Razcel Jacinto ng 2A BSE-TLE, Mae Ann Laurino ng 4B BEE- SpEd, Marnelli Lorenzo ng 3B BEE- SpEd, Anthony Matias ng 3D BS-IT, Ryan Mimis ng 2A BSE-TLE, Daniella San Juan ng 2B BEE- SpEd, Patrick Jerome Santos ng 3D BS-IT, Ronelyn Sioco ng 3A BSE-TLE, Clarisse Sun ng 2C BEE-GenEd.


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2017 University of Rizal System - Cainta

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page