URSC Nagpamalas ng iba't ibang Talento
![](https://static.wixstatic.com/media/c65338_fc8e0e5575de41a58b270d5363d27010.jpg/v1/fill/w_980,h_652,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/c65338_fc8e0e5575de41a58b270d5363d27010.jpg)
Nagkaroon ng pantas-aral sa Labor and Employment for Graduates (LEG) Seminar noong Setyembre 4, 2015 at BPO Career Hub naman noong Setyembre 7, 2015 sa Activity Hall para sa magsisipagtapos na mag-aaral sa taong 2015-2016.
Ang pantas-aral na ito ay naglalayong mabigyang kaalaman ang mga mag-aaral tungo sa tamang landasin sa paghahanap ng trabaho at tamang pasweldo kasama ang mga benepisyo at pakinabang.
Pinangunahan ng Samahan ng Scholarians ang pantas-aral na ito sa pamumuno ni Gng. Monette Pilapil, ang gurong tagapayo ng samahan. Si Willyn Mae Caldwell ang itinalagang guro ng palatuntunan. Kabilang sa seremonya sina Noralyn Napoles na namuno sa panalangin, si Marie Joy Villanueva para sa pambansang awit, si G. Edgardo Celestial, ang Campus Direktor naman ang nagbigay ng malugod na pangungusap para sa mga dumalo, at ang inyong lingkod para sa pagpapakilala ng tagapagsalita.
Si G. Mark Vincent S. Cuchapin, Labor and Employment Officer III ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang unang nagbigay ng mensahe sa mga dumalo. Tinalakay niya ang tungkol sa mga kondisyon sa pagtatrabaho. Dito’y binanggit niya ang oras ng trabahong dapat ilaan ng isang trabahador, pagbabayad ng sahod, tama at maling paglisan sa trabaho, paunawa sa pagkatanggal sa trabaho ng isang empleyado, at ang matatanggap na mga benepisyo kasama ang bayad sa pagreretiro.
Tinalakay naman ni G. Nommel M. Galit, Tagapangasiwa ng Public Employment Service Office (PESO) ng Munisipyo ng Cainta, ang tungkol sa trabaho vs karera at masinsinang ipinaliwanag ang kaibahan ng mga ito. Nagbigay siya ng tip sa paggawa ng resume at kung paano ang tamang proseso nito. Nagbigay din siya ng mga posibleng tanong sa pakikipag-panayam katulad ng “What is your strengths and weaknesses? Tell me about yourself. Why hire you?”, at marami pang iba.
Kasama ni G. Nommel ang mga piling tauhan ng PESO na umagapay sa pagbibigay ng impormasyon sa mga dumalo, kabilang sina Bb. Marie Valenciano, G. Jeff Anuma, G. Harold Abatuan at G. Alfred Buque.
Samantala, sina G. Maico Pagal, Marketing Specialist, Bb. Almalyn Bautista at G. Justine Solis naman ang nagsilbing tagapag-salita ng BPO Career Hub.
Comments